pangungutya, pangungutya
napapariwarang diwa
nais kong ipagsigawan: may UTAK ako!
wala mang pumansin
umaasang sasagot sa pagmamakaawa ko
kahit konti ang bigyang buhay
ang natutulog kong mundo
pero walang pakiramdam; walang maasahan sa ‘yo
at sino ba naman ako ano?
sino nga ba ako
para humingi ng atensyon?
para umasa? para maghintay?
Advertisement